October 15, 2010

Isang Gabi, Isang Blog Post

Makati na naman ang aking mga daliri, tila ba naghahanap ng gustong gawin. Hindi na yata sanay na nakatambay ng matagal na walang ginagawa. Pinagod ng sandamukal na projects at exams nung unang sem, o marahil sa kakalaro ng o2jam sa kung kani-kaninong laptop. Napapiano ako sa lamesa, dinadrum ang kutsara’t tinidor sa plato at pindot ng pindot sa pader na wari ay may pintong de-code para pumasok. Baliw na yata ako.

Binuksan ko ang computer. Hindi na mapakali ang mouse pointer sa screen sa kakapaikot ko. Naghahabol yata ng keso ang mouse. Natuwa ako sa keyboard. Ang sarap pindutin. Pero habang tumatagal ay naiinis na ako dahil paminsan-minsan ay hindi kumakagat ang letter M at N. Matanda na kasi itong keyboard namin, sobrang gamit sa mga nagdaang projects, blog posts at liham na kailangang itayp at sa kaka-Dota ng kuya kong walang habas maging Godlike.

Nainip ako. Tila walang hanggan ba ang paghihintay ko. Inaabangan ko ang guard na umakyat dito sa kwarto ng tatay ko upang magcheck, hanggang sa mapagtanto kong wala na pala ako sa dorm. Lalo pa akong nainip. May tumulo. Pawis mula sa aking baba patungo sa aking damit. Napag-isip-isip kong mainit pala, hindi ko man lang nahalata habang maaga. Binuksan ko ang electric fan sapagkat walang magandang bentilasyon sa kwarto ng tatay ko kung nasaan ang kompyuter.

Pinihit ko ang switch sa likuran nito. Hindi sumindi. Hindi pala nakasaksak. Tumayo muna ako sandali at binuhat ang bentilador palapit sa saksakan. Sinaksak. Sinindihan. Biglang umingay sa tahimik na kwarto. Unti-unti nang nanggagalaiti ang aking daliri dahil sa hirap pindutin ng ilang letra sa keyboard. Dumagdag pa ang letter R. Sa sobrang inis, pinwersa ko ang pindot. Umalog ang buong computer desk at nahulog pa ang isa sa mga speakers mula sa itaas.

Ang daming laman ng utak ko. Nakakaasar. Parang gusto kong ilabas ngayong gabi. May problema. Wala akong kausap. Tulog ang tatay ko, wala na ang lahat ng tao dito. Alangan namang kausapin ko ang aso namin na sa ngayon ay nakatitig sa akin habang nakahiga sa kama. Nagtayp na lang muli ako, ngunit parang walang patutunguhan ang pagtatayp kong ito.

Maya-maya, may naramdaman ako sa aking paa. Nakiliti ako ng kaunti. Alikabok na dumaan. ‘Yan ang nasa isip ko. Nanatili sa aking paa ang kumikiliti. Alikabok na dumaan at napatigil. At sosyal na pala ang mga alikabok, may isip na at napapatigil. Sandali ay tumigil ako sa pagtatayp, tumingin sa aking mga paa at napasipa ng malakas. Ipis. IPIS! Napamura ako. Namura ko ang ipis na walang masamang intensyon kundi mangiliti. Namura ko ang ipis na sana man lang ay nagpaalam bago halayin ang aking paa.

Umalog muli ang computer desk. Ballpen naman ang nalaglag. Kasama ng ballpen malaglag ang aking panga, na napanganga sa sobrang sakit ng pagkakasipa ko sa desk at sa pagmumurang binigay ko sa walang pakundangang ipis. Bumalik na lang ako sa aking pagtatayp.

Matagal ko na palang hindi nauupdate ang blog ko ng matino. Wala ng bagong tula sapagkat mahirap maghanap ng inspirasyon sa gitna ng pagkabagabag ng utak mo sa grades mo ng first sem. Mahirap singitan ng konsentrasyon at oras ang mga pangyayari sa mga nakaraang buwan. Napaisip tuloy ako kung ano ang magandang paksang pwede kong ilathala sa blog ko ngayon.

Hindi ko namalayan, eto, nagtatayp na pala ako. Nawili na yata ako sa pagtatayp ng kung anu-ano. Pero napapaisip pa din ako ng magandang topic – ng mas magandang topic dapat. Medyo lugi na kasi ang blog ko at wala ng bumibisita.

Kumurap ang bumbilya. Ito na naman. Nagbabanta na naman ang dakilang brownout. Takot ako sa dilim, at kailanman ay hindi ko pinangarap ang brownout. Kumurap muli ang bumbilya, at ngayon, kasabay na niyang kumurap ang electric fan, (at aba, kumukurap ang electric fan?) at dahil doon ay napa-ctrl+s na ako, o sa madaling salita, SAVE.

Malaki na ang trauma ko sa ganyan. Nagtayp ka ng isang mahabang nobela, isang research paper, o isang dakilang powerpoint presentation na nagliliparan na ang mga letra sa labas ng screen dahil sa kaartehan sa animations, at biglang nagbrownout. Ang sarap tumunganga sa harap ng monitor mong nangingitim ang screen at sabihin sa sarili mong hindi mo na-save. Ang sarap titigan pa ang screen na sa gitna ng itim ay pilit mong hinahagilap ang file mong pulbos na sa ere. Sunod ay sisigaw na ang babae sa internet cafe, “oh out na, magbayad na, wala ng kuryente!” na ang akala ay lahat ng tao sa shop nila ay naglalaro lamang at mga walang pake sa mawawala sa kanila kung nagbrownout. Ito, bayad naman at uwi ng luhaan.

===

Napangiti. Natuwa naman ako sa pagreminisce ng past sa pagrenta ng computer sa internet shop. Maya-maya ay napansin ang calculator at kaunting papel na maraming sulat-sulat sa harap ng monitor. At aba, may nag-aaccounting na rin yata dito? Nawili ako sa calculator. Ang liit. Namiss ko tuloy ang aking scientific calculator na pagala-gala sa dormitoryo.

Tinignan ko ang papel. At aba, accounting nga. Dolyar pa ang kinokompyut. Namangha naman ako sa nagkokompyut nito, dahil libo-libong pera ang nakataya sa mga computations dito. Sulat-kamay ng nanay ko ang aking nakikita, at nagtaka ako kung anong dolyares meron ang nanay ko.

May mga salita sa baba, at ako ay napangiti na abot hanggang tigyawat sa pisngi. Mga recipe na tunog pamilyar kapag binasa, pero malayong malayo sa panlasa. Para bang narinig ko na dati pero hindi ko pa natikman. Binasa ko pa. Gulay naman ang aking nabasa. At aba? May bulaklak, prutas at kung anu-ano pa? Bahay-kubo yata na exotic ang mga halaman.

Alam ko na ang kahulugan kung bakit ako napangiti. Nanay ko nga pala ay dakila ng alagad ng Zynga, ang developer ng mga larong Farmville at Cafe World. Nalamangan na nga ako ng nanay ko sa Farmville sa tiyaga niyang maging haciendera. Level 60+ na yata siya sa kwento niya sa akin bago siya umalis.

Naalala ko tuloy nung naglalaro pa ako ng Farmville. Hindi ko talaga akalain na nakapag-aksaya ako ng napakaraming oras. Nagsimula sa pagkaadik ko sa Restaurant City, hanggang sa lahat ng uri ng nakapanununog-oras na laro ay pinatulan na. Tumatalong aso hanggang kalangitan, tira-tira bola na parang zuma, tanim-tanim at luto-luto, bahay-bahayan, at pagtayo ng imperyo. Ang dami ko palang sinayang na oras na sana ay ginugol ko na lang sa pagbilang ng buhok ko, baka doon ay may napala pa ako.

===

O yan, ang haba na pala ng naitayp ko. Pwede na pala itong blog post. Oha oha. Sa simpleng daldal, may pangblog na. Sige, magandang gabi. Magfafacebook na ako XD Yeeaah. Tapos na magtayp. :)

October 13, 2010

200 Bagay na Mamimiss Ko Ngayong Sembreak

start...

200. Salamin sa banyo na hindi ko na makita ang mukha ko sa labo.
199. Si Kuya Dagasdas, ang paborito kong guard.
198. Ang paborito ko namang janitor. Itago natin sa pangalang “smiley”.
197. Ang room naming St. Peter of Verona,
196. ...at ang kama kong Bed4A
195. Ang pag-aabang tuwing 8pm na mabuksan ang aircon.
194. Pagpapatugtog ni AJ ng kanyang sounds.
193. Ang paglalaro nila ng basketball, at ang aking pag-iisa sa kwarto.
192. Awayan sa Sun Broadband ni Kuya Jef
191. Ang minsang tambayan, ang Circulation Section
190. Tugs Tugs Tugs sa elevator
189. Isama na din ang ghost experience doon.
188. Ang stargazing sa rooftop na wala man akong nakita.
187. Pagpapapage ng mga nilalang
186. ...lalo na kapag nakalimutan sa baba ang susi.
185. Sungkitan ng pinto gamit ang tinidor
184. Corporate days: ang araw na madalas late.
183. Alingawngaw ng o2jam sa kwarto.
182. ...pati na rin ng sigawan kapag poker tour.
181. Ang saya na hatid ng pusoy dos
180. Ang pagbantay sa akin ni Jovie kung nagtoothbrush na ba ako.
179. Malagkit na titig ni Kuya Isko. XD
178. Paglolog-in at paglog-out sa lobby
177. ...at pati na rin sa pagtakas sa paggawa nun.
176. Paliligo sa cubicle, na ang tanging depensa mo ay kurtina
175. ...at kung napagtripan, ang kwentuhan habang naliligo.
174. ...pati na rin ang basaan.
173. Ang pamatay na orchestra kapag may nagbabawas.
172. Ang kanta ni Charice na walang sawa sa dorm.
171. Konting tambay sa MiniStop paminsan-minsan.
170. Ang libre ni Kuya Jeff sa Chowking. Hooray!
169. Ang libre ni Elvin sa Starbucks. Hooray!
168. Ang adventures ng tito ni Juvs.
167. Ang mga lalake sa buhay ni Potpot. Ehem.
166. Ang pagpunta sa Food Laboratory para kumain.
165. ...na naging Cafeteria na.
164. Pagkain sa lata slash canister.
163. Ang malupit na aquarium week ang meal. Muntikan na akong magkakaliskis
162. Ang di-malilimutang palabas sa banyo gabi-gabi.
161. Si Bagyong Basyang, at ang pagdilim sa dormitoryo.
160. Mga pagpupuyat para sa review. (70% daldal.)
159. Usapang Bleach sa kwarto na hindi ako makarelate.
158. Ang panandaliang pagkaadik sa World of Goo
157. Ang dakilang pambabawal ni Kuya Kevin.
156. ...at ang sweet na loveteam nila ni Ate Gretch
155. Ang pagpuslit kay Mahrooz sa loob ng dorm.
154. ...at ang madalas niyang pagtambay sa lobby.
153. I don’t want to walk this earth if I got to do it SOLO!
152. Pagpapak ng milo, hanggang sumakit ang ngipin ko.
151. First reading from the book of ganito ganyan.
150. Pagrorosaryo gabi-gabi.
149. Mga biglaang pagdating ni Fr. Ponce sa library. Behave agad eh.
148. Ang piyesta sa dorm kapag mag-uuwi ng pagkain si Kuya Danny
147. ...at ang libreng film viewing ni Kuya Danny
146. Ang pang-iisnab ni Penpen.
145. Club M, Pods, what else?
144. Ang mga kababaihan sa dormitoryo...
143. ...at naman, ang mga kalalakihan din.
142. Ang pag-ulan ng mura sa kwarto
141. Ang kalayaan magsalita ng kahit anong kabastusan sa mundo.
140. Music video ng Plants vs. Zombies
139. Ang maya’t mayang pagdaan ng kalesa sa Intramuros.
138. Ang paghahanap ng pagupitan, bakeshop, carinderia sa isang historical site.
137. Binyag Arriba. Wisik wisik.
136. Pagkabadtrip sa quizzes.
135. Ang mga nagsasalita habang natutulog
134. Ang katripan ni Charlie kapag siya ay naka-high.
133. Ang experience ni Elvin sa pangalawang gabi niya.
132. Ang mga usapang rooftop.
131. Choco Pinipig Bulilit at Cream Bar. Yeah!
130. Maging HM ng isang araw.
129. Pakinggan ang UST Singers sa CCP.
128. Kumain ng giant pizza ni Fr. Ponce
127. Magpapintura ng berde sa kamay para sa Basilisk
126. Titigan si Sir del Rosario habang nagdidiscuss.
125. Magpakahyper-active tuwing English time. Bakit kaya?
124. Magprusisyon sa kahabaan ng Quezon Avenue.
123. Tagumpay ng buhay: Makatawid ng buo pa ang katawan.
122. Movies!!!
121. Pamamalo kay Heidi
120. ...pati na rin kay Grecy!
119. Makinig ng hindi sinasadya sa mga kwento ni Ate Janine
118. Umindayog sa piano with beat ni Ma’am Marco
117. Ang samahang LABS, na marami ang taksil.
116. ...isa na dun si Hanna. Hahaha.
115. Pakikitulog sa kama ng iba. (may mangyari man o wala)
114. Konting private moments with Kuya Pars.
113. Astig dance moves ni Kuya Janjan. Headspin? Yeah.
112. Signature laugh ni Fr. Ponce. Walkie talkie.
111. Ang rehimeng itim ni Sir Kenji, na hindi ako pinatulog
110. Unang gabi sa SM Manila. Kain kain.
109. Pamimili ng damit (at pakikipag-agawan) kasama si Charlie
108. Paghagilap ng maraming grocery.
107. Wafer delight moments.
106. Pagtatayp ng lecture dati.
105. Katripan magpicture sa laptop.
104. Out of my League super interpretative dance.
103. Steamed scenes with Kuya Junjun XD
102. Concentration game na ang ending eh mukhang puno ng powder.
101. Pagkislap ng mga fireworks sa MOA.
100. Haplos ni Elvin. :)
99. Yakap ni Kuya Janjan. :)
98. Landi ni Potpot. :))))))
97. Pang-aapi ni Potpot sa aming lahat palagi.
96. Pag-inom sa drinking fountain
95. Pagbalik-balik sa nagbibigay ng uniform.
94. Ang ligaya sa Araneta.
93. Pagsakay-sakay sa LRT. (tren tren poot poot)
92. Pagmamahal.
91. ...maging na ang pagmumura.
90. Mga breakers ni Juvs.
89. Sumali sa quiz bee na ang ending ay nakakatawa
88. Mapalabas ng classroom during logic time.
87. Masampolan ng pilosopiya ni Charlie.
88. Makakita ng mga kasama ni Snow White in real life: Penpen and Heidi.
86. Humandusay sa saheg ng cafeteria sa sobrang inip.
85. Maging leader ng mga cheer booster hanggang mawalan ng hininga.
84. Gumawa ng official tarpaulin.
83. Pagkanta ng Alma Mater Letran, na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang lyrics
82. Kumausap sa buhay na talino, the AC4As.
81. MakiFC sa mga HMs.
80. Umakyat sa Father’s Community sa Letran, at kumain muli.
79. Ibalik ang athleticism sa aking buhay.
78. ...at magserve sa volleyball ulit.
77. Maghawhaw ng plato o canister.
76. Kumain sa styro, na may bayad na 5.
75. Maglamay kasama ng Lemon Square, Cup Noodles o ng Nestea kapag kailangang magpuyat
74. Makinig sa mga kwento ni Elvin tungkol sa assets ng kanilang pamilya.
73. Makinig din sa salaysay ni Jovie tungkol sa mga physics, math at chemistry.
72. Pakinggan si Allen tungkol sa babae.
71. Pakinggan asarin si Potpot.
70. Pakinggan ding magbarahan sina Kuya Janjan at Charlie
69. Mga maiinit na gabi sa iba’t ibang kama (with all the 1st year male scholars) XD
68. Magwalk trip sa Intramuros
67. ...hanggang umabot na ng Rizal Park.
66. “Pot, ang ina mo” XD
65. Umilag sa nagliliparang shuttlecock at volleyball sa loob ng kwarto.
64. Makatulog na ang mukha ay nakadapa sa accounting book.
63. Magcrumple ng maraming journals at ledger.
62. Kumanta ng “Magbabayad”
61. Maglaba at maglaba. Pinakanakakatamad sa mundo.
60. Makakain ng banana cue, the La Cantina version
59. Antukin sa klase ng sobra sobra.
58. Mawalan ng scientific calculator (nasan na kaya?)
57. ...at pati ng Flash Drive
56. Masita din sa pagbanggit ng “USB”.
55. Ang palaging tumatawag kay Charlie. Tsk. Tsk.
54. Ang pag-akyat kama ko sa kama ni Kuya Raymart.
53. Mga makabuluhang pananaw ni Kuya Heway.
52. Pumunta ng Dangwa para sa bulaklak.
51. Dumayo sa mga seminar para lamang sa pagkain.
50. General Assembly. Lalo na yung sa MathSoc. Imba may foods.
49. Tusukin ang puwet ni Potpot.
48. Pagtawanan si Kokey (alyas Jovie) HAHAHA.
47. Bilangin ang balbon ni Kuya Janjan
46. Bilangin ang ipapa-laundry
45. Mag-alburoto din sa nawawala sa laundry.
44. Umungol ng umungol ng umungol ng parang toot toot.
43. Bumoto para sa student council. Pati yun diba?
42. Magsuot ng necktie at humawak ng canister at the same tie
41. Ang punto ng pagsasalita ng mga taga-Pangasinan
40. Magbanatan ng imbe-imbentong knock knock jokes sa gabi
39. Samahan si Elvin na bumili ng candy daw.
38. Makipag-usap ng marangal kay Charlie.
37. Pumasok sa Manila Cathedral ng nakapambahay
36. Humagilap kung saan pwede magpabookbind.
35. Mapansin ng maraming guard dahil sa improper haircut.
34. Makulong sa labas ng dorm dahil sa curfew
33. Magtiyagang lusutan ang mahigpit na wi-fi ng Letran
32. Ang hindi pagtawa ni Jaubrey sa mga jokes ko.
31. Mapalala ang aking fear of flying balls.
30. Hindi makarelate sa kwento tungkol sa mga relasyon.
29. Patuluin ang laway habang tulog sa unan ng iba.
28. Makipag-DARE!
27. Umawit ng papuri sa pinakamataas nitong nota.
26. Magsulat ng sandamukal na essay sa isang subject.
25. Ang gitara ni Ate Ira
24. Ang away ng North vs South!
23. Magdownload ng kung anu-ano para sa laptop
22. Punuin ang whiteboard ng logic terms
21. Pumatong at patungan.
20. Pumasok ng illegal sa Letran kasi nawawala ang ID
19. Magkaroon ng bomb threat.
18. Magkaroon ng hostage.
17. Pamimintang sa akin ng mayabang ni Kuya Isko
16. Si Natre. Imba.
15. Ang pambaba-“baboooOOOYYY!” ni Kuya Jethro
14. Pagtingin sa Lance at sa Letran News ng sariling pangalan
13. Pagkabaliw sa Finance. Baliw din kasi yun eh.
12. Mga imbang banat ni Mellot. OP. HP.
11. Mga pa hard-to-get ni Charlie.
10. Katawan ni Kuya Raymart. Yeah :D
9. Magsuot ng uniform ng Letran.
8. Makipag-agawan kay Penpen (no match.)
7. Mag7-11 kahit anong oras.
6. Pumunta ng underpass. Wala kasing underpass dito.
5. Puwet ni Allen. Parang pambabae. HAHA.
4. Idol Mendez. Idol at nakakadaan kami sa gate na pang-elementary.
3. Golden potatoes. Ang aking paboritong salted fries.
2. Kumaway sa mga second year na palaging nakaupo sa red tables ng first floor.

At ang LAST...

1. IKAW na nagbabasa nito. :) makamiss kayo :)

Sh*t. Two days pa lang, homesick na ako. XD