Filipino version ng kanta ni Charice na “Louder”. Medyo masagwa nga lang kung ‘yung bahaging “head… head… head…” sa kanta ay isalin sa Filipino (ulo… ulo… ulo…), kaya medyo marami ring operasyon ang isinagawa sa kanta.
Nakadungaw sa bintana
Langit ay lumuluha
Ako man ay niloko
‘Di na madarapa
Mag-isang babangon (oh oh oh oh)
Ako’y hindi uurong (oh oh oh oh)
Nais lang naman damhin ang kalayaan.
KORO:
Sasalubungin ko ang ulan
Sasayaw kahit nasasaktan
Dadamhin ko ang tugtugin… ang indak
Ang sigaw ng puso, ang tibok ng puso’y.. diringgin (gin.. gin.. gin..)
Sigaw ng puso’y.. diringgin
Tibok ng puso
Damhin ang tugtugin… and indak
Ang sigaw ng puso, ang tibok ng puso.. diringgin!
Sa.. Sawa na ‘kong kaiisip kung babalik ka pa
Ako ngayon ay lilisan, sayo’y kakawala
Mag-isang babangon (oh oh oh oh)
Ako’y hindi uurong (oh oh oh oh)
Nais lang naman damhin ang kalayaan
KORO:
Sasalubungin ko ang ulan
Sasayaw kahit nasasaktan
Dadamhin ko ang tugtugin… ang indak
Ang sigaw ng puso, ang tibok ng puso’y.. diringgin (gin.. gin.. gin..)
Sigaw ng puso’y.. diringgin
Tibok ng puso
Damhin ang tugtugin… ang indak
Ang sigaw ng puso, ang tibok ng puso.. diringgin!
Oh, paglimot, hatid ay tuwa’t sigla
Pinakinggan ko lang naman ang puso, puso, ang sigaw at ang tibok
Puso.. puso.. puso..
KORO:
Sasalubungin ko ang ulan
Sasayaw kahit nasasaktan
Dadamhin ko ang tugtugin… ang indak
Ang sigaw ng puso, ang tibok ng puso’y.. diringgin (gin.. gin.. gin..)
Sigaw ng puso’y.. diringgin
Tibok ng puso
Damhin ang tugtugin… ang indak
Ang sigaw ng puso, ang tibok ng puso.. diringgin!
No comments:
Post a Comment