September 6, 2009

Mula sa Malayo.. :D

Waah. This is my first Tagalog post on my supposedly pure English blog. :D Hehe. Iba pala talaga kapag may motivation, nakakagawa ka ng tula in 20 minutes. haha :D start.

Nalulungkot ako 'pag di ka nakikita;
Naaasar ako 'pag ika'y gunita.
Bakit ba ganito aking nadarama?
Pag-ibig na ba 'to o simpleng pantasya?

Sa aking pagtulog, 'di mapakali,
Ika'y naiisip, araw man o gabi.
Iyong mga mata at ang iyong ngiti
Nagbibigay sa'kin ng munting kiliti.

Pananaw sa mundo ay biglang nagbago
Nang ika'y dumating sa puso kong tulog.
Gabing habambuhay ay biglang naputol;
Araw ay sumikat, pagsinta'y umusbong

Nung una'y hindi ko matanggap na ikaw,
Bakit 'kaw pa ang laman ng aking pantasya?!
Kahit na pilitin ang puso't isipan,
Tawag ng damdamin, 'di mapigilan!

Pag-ibig nga ito, ako'y walang laban.
Isang mananakop sa lupang dayuhan.
Kahit anong pilit nating itago 'yan,
E lilitaw din yan at matutuklasan.

Kapag dumaan siya, ako ay tulala,
Parang gustong hagkan pero di magawa,
at habang palayo, ang kanyang galaw,
Sa 'king mga mata, ay magandang sayaw.

Tatawanan niya ko kapag siya'y masaya,
At ako naman ay ngingiti sa kanya.
Sa isip ko'y iyo'y malaking bagay na,
na siya'y ngumiti't aking napasaya.

Ngunit kapag hapon, sa punto ng uwian,
ako'y nalulungkot; oras ang kalaban!
Siya ay uuwi na, kailangang kawayan,
Paalalang mag-ingat, magbigay paalam.

Lulubog ang araw, ako'y maiiwan,
At sa pagmamahal, ako ay ulila.
O sinong aampon sa puso kong bukas?
Hiling ko lang sa'yo, sana ay ikaw na.

Sino ba ang nagsabi na ako'y magmahal
Damdamin kong likas, o, puso kong hangal!
Pag-ibig nga naman, iba ang gayuma;
Walang kagamutan, wala ring bakuna!

Ako'y isang pipi, may pusong tahimik
At ang pagsinta'y dinadaan sa hangin.
Sa ganitong paraan ako ay kuntento...
Titingin na lang ako mula sa malayo. :|

the end.

No comments: