Ang Ikot :)
Yun. Introduction muna. Iba na ang ikot ng mundo ngayon. Pati isip ko iba na rin yata ang ikot. Para hindi na paikutin pa, eto na ang tula. Haha. (kaganda na ng intro, haha)
Pag-ibig nga naman, minsanang mahulog,
Siya ang naiisip hanggang sa pagtulog;
Minsan nga ay lito, ano ba ang ikot
Ng pusong ito na hindi makalimot?
Unang pag-ibig nga ‘y hindi malilimutan,
Ang tali’y mahigpit, walang kapigtalan;
Ngingiti na lamang at magugunita,
Kahit pa may luha sa’king mga mata.
Ang aking pag-ibig, matagal nang lihim
Sa pusong tahimik, ako’y nagkikimkim;
Dati’y kuntento sa “Mula sa Malayo”
Ngayo’y nanghihingi ng konting pagsuyo.
Mainit ang hapon, ako ay pinilit;
Babae sa tula, sa kanya’y mabanggit.
Nang aking masabi, laking gulat niya,
Nang aking banggitin ang pangalan niya.
Ako’y sinungaling, ‘yan ang bansag sa akin,
Di naniniwala sa aking pag-amin;
Mabigat na sampal ang aking tinanggap,
Matapos aminin sa kaniyang harap.
Ang ikot ng mundo tila ba tumigil;
Ang buong mundo ba ako’y sinisingil?
Huli nang sabihin, patapos ang klase,
Kaya ba’t pag-ibig, ganito ang ganti?
Mapa-dimonyo man, ‘di maniniwala,
Isang panloloko, katapata’y wala,
Iyan ang sabi niya sa pusong sugatan,
Ako ay puno ng kasinungalingan.
Anong pakiramdam, ano ba ang sakit
‘Pag ang salitang puso ang sumambit
Ay hindi tanggapin, ‘di paniwalaan,
Ang sayo’y malaki, kanyang kalimutan.
Sa’yo ay seryoso, sa kanya ay biro;
Sa’yo ay pag-ibig, sa kanya ay laro;
Aniya sa akin, ako na’y sumuko,
Pag-ibig na ito, ipaglalaban ko. XD
Anuman ang ikot ng utak mo ngayon,
Sinuman ang laman ng puso mo ngayon (aw)
Ika’y aking mahal, ‘yun lamang ang alam,
Pag-ibig ko sayo’y hindi mapaparam.
Iba man ang ikot ng puso mo sa’kin,
Maniwala ka lang na ako’y ‘yong angkin.
Walong buwan na ako’y ‘yong pinangiti,
Maniwala ka lang, iyon lang ang mithi.
No comments:
Post a Comment