300. Pagpupuyat. Sobra.
299. SM Bacoor. Miss ko na ‘yun. Bakit kasi siya pula?
298. Eh ang pagsikat ng araw sa lawa sa Laguna. Isa pang hindi malilimutan.
297. Pati yung stargazing sa bubong nila Mellot.
296. At sila lang kasi ang nakakita ng shooting star.
295. Kung saan nagbuhos pa ng sama ng loob si Jaybe.
294. Si Coach, at ang hindi mo mawaring mood niya.
293. Ang limitation sa laundry, na kulang na lang ay hindi na ako magpalit ng damit sa sobrang tipid.
292. Na kalaunan ay nawala din at back to normal na.
291. Ang klepto sa loob ng dorm.
290. At ang halos buwan-buwan na pagkawala ng mga bagong bili kong shampoo. Hayup.
289. Ang polo shirt ni Kuya Jeff, na official polo shirt ko kapag may gala.
288. Ang takbuhan around SM Manila para sa printing ng Christmas cards.
287. Pag-“carrying bells” ni Moon!
286. Ang kalandian ni Kuya Janjan. Booo! Hahaha!
285. Lalo pa ang kalandian ni Allen. Kalalandi niyo.
284. Isama mo pa ang kalandian ni Jovie.
283. Ang pagtuturo sa mga Squires ng English. Oha?
282. Magrereview daw kami ni Potpot sa SM? Utoooot.
281. Ang kilabot na financial statements ng Jollibee Foods Corporation
280. Ang guidance session na naudlot. Udlot. Udlot. Udloooot.
279. Ang National. (first floor)
278. at ang Bookstore. (second floor)
277. At ang takbuhan doon sa Tutuban Mall.
276. Pati ang libreng fries ni Penpen sa McDo.
275. Kamusta din naman ang paghahanap namin ng pintura. Saan kami dinala?
274. Pagka-OCD ni Ma’am Agaton. Bumibilang pa ng tiles.
273. Ang panalo ni Grecy sa Fun Run!
272. Ang pagsobra ko rin ng 2 seconds nung Tagatal. Hahaha. Heartbreaking moment.
271. Ang aking paggala bago ang Final Exams.
270. At ang pahirapang paghahanap ng scientific calculator lagi.
269. Ang imbang environmental science assignment sa Accounting.
268. Ang sabotahe kong quiz sa Humanities. Maling-mali eh.
267. Ang takbo ko para sa mga CD sa Management!
266. Ang noon ay landiang Charlie at Penpen
265. Na ngayon ay pormal ng landian.
264. Party-party nung Pistang Paskong Pinoy! Yessss!
263. At ang sobrang pagpupuyat sa Letran. Talagang bagsakan na.
262. Kaya naman pagdating ng Manila Cathedral, ehem, may tumulo yata?! HAHAHA.
261. Makakalimutan din ba ang dare na walang tulugan days after?
260. Ang pagpapalit din ng relationship status ni Potpot dahil doon.
259. At iyun na! Si Potpot at Grace na ang malandi, sila na nga.
258. Pagpinta sa Humanities.
257. Ang pag-effort ko talaga sa Abstract Expressionism, na late ko na narealize na mali pala.
256. Pati na rin ang pagbagsak ng panga ko sa mga paintings ni Heidi.
255. Naalala ko rin sa Rob, ang pagpili ng paint brushes.
254. Si Miss A! Si Miss Angela Fajardo Villanueva at ang kanyang nakakagulat na activity!
253. Pati na rin yung photographer nung Heritage Quiz na PolSci :D
252. “Why Kenneth be?! Why Kenneth be the two of us?”
251. Ang walang hanggang parami ng parami na versions ng I, the Criminal script.
250. Ang North Luzon Escapade with the scholars!
249. Ang pagtotour guide ni Father Ponce habang paakyat ng Baguio.
248. At ang pagtotour guide ko din pagdating ng Pampanga.
247. Na biglang na-dead air dahil nga binara ako ni Father Ponce.
246. Ang naiwan kong Manaoag. :))
245. Ang naiwan kong violet polo shirt sa San Fabian.
244. Ang dakilang AC1A (2nd Sem) na group sa Facebook.
243. Na walang ibang post sa chatbox kundi pag-ibig.
242. Ang pagtawad ni Jaja sa Divisoria.
241. Ang kontra-tawad naman ni Avel.
240. Pagbulusok ng nakasusulasok na amoy sa 2nd Floor canteen.
239. Reporting sa Management, konting plays, konting pakulo.
238. Valentine special ice-breaker namin. HAHAHA. Kinikilig ako.
237. Yung Buko Pandan na ice candy!
236. Kapag nagpipicture-picture: VAIN!
235. Ang simula ng kampanya, ang pagsuot ng pula! :D
234. Pati na rin ang chorus namin nila Ate Maix at Ate Jack sa St. Thomas
233. Paghiram namin ni Elvin ng damit pampari.
232. Ang roadtrip ko din papuntang Laguna na mag-isa.
231. ‘Yun bang tipong mali pa yung binabaan mo! Hahaha!
230. Ang araw na showing ang Origleenals, at oo, nakatulog lang ako.
229. Ang Imperfect Crime, na hindi naman natuloy. Haha!
228. Ang mga blind items ni Avel. Sinelya itelya?!
227. Libreng pagkain nila Mahrooz, Ched at Hanna nung may sakit ako. Sarap pala magkasakit. Hahaha.
226. Ang hindi ako makaget-over na speech ko nung Recognition Day.
225. Pati na rin ang pagcongrats ng maraming tao.
224. Ginawa pa akong mascot at may picture picture. Amp.
223. Sippum Gippeum Logo – the making!
222. Hindi ko makalimutan yung Joy of Life! Henri Matisse!
221. Ang sunset sa San Fabian, ang ganda. Weeee.
220. Ang pagwawala ng mga scholars sa videoke.
219. Colegio Week! Ayuuun!
218. ‘Yung Life Works, Artworks exhibit, na inabot din ng sobrang gabi.
217. Pagpipilit itayo ang painting mural, nylon, tape, ano pa ba?
216. Pati ‘yung pagpapaframe namin ni Ate Ro sa Recto. Hahaha.
215. Letran Heritage Quiz Bee. Ang saya ng eliminations. Akalain mo?!
214. Pero pagdating ng finals. Total amf. Kami lang ang walang award.
213. Field Demo ng mga AC1A! Dumadancing Queen!
212. Ang pagvideo din namin nun from the High School Library.
211. Kung makasigaw si Shaquille sa classroom eh?!
210. ‘yan tuloy, dumating si Sir Kenji! HAHA!
209. Ang isang minutong tula.
208. Ang entrance ni Tatchi kapag English time.
207. Syempre, ang entrance din namin kapag MOI na! :D
206. Hindi pa pala ako bayad sa Alyansa ano? :))
205. Ang katabi kong matulog sa dorm dati, tesselation!
204. Ang kalat-kalat na cellophane sa gilid na aking kama.
203. Cornetto Double Chocolate!
202. Ang date namin ni Potpot sa SM nung birthday niya. Kumain kami ng brownies!
201. Ang sikreto ng drinking fountain sa second floor! Hohohoho!
200. Ang mga bagong tao sa dorm na nakita ko lang ngayong second sem.
199. Ang pagkakasakit sa dorm. Imbang karanasan.
198. Lalo na yung pagpunas sa akin sa towel na nilublob sa mainit na tubig. Imba lalo.
197. Pagbabasa ng Gospel tuwing gabi.
196. Comprehensive exam sa Accounting advancement class na quiz bee type
195. At ang sobrang galing doon ni Kuya Pars!
194. Ang walang humpay na paggawa ng AVP, ngayon naman, commercials at ice breakers.
193. Ang panonood kasama ng mga schos sa cafeteria ng videos.
192. Malamang ang pagduduty sa cafeteria. Ulit ulit na lang
191. Kamusta naman ang super heart-friendly cholesterol-rich na swimming pa in mantika ng corned beef ni sino ba kasi ‘yun?
190. Ang super-OA na super masaya naman na introduction sa akin ni Sir Kenji sa GAGATA.
189. At syempre, ang pag-congrats sa akin nun ni Ate Juvy. Weeee.
188. Team building ng LAAG sa La Mesa, hooray, na hindi ako nakasama. Wala lang, namiss ko rin lang.
187. Naghagilap kasi ako ng magbibigay ng waivers.
186. Ang unang meeting namin sa Humanities, super kahiyaan pa noon.
185. Hanggang kami ay naging ganap ng Criminals. :D
184. Ang pagsagot sa Accounting take home quizzes.
183. Makakalimutan ko din ba ang pamatay naming teamwork doon?
182. Ang maya’t maya na pag-type ng PBL sa Management
181. Lahat ng preparations involving sa PBL, pagpost sa facebook at lahat-lahat.
180. Lalo na talaga yung pagtakbo sa internet shop para magpa-burn. Namayat ako doon.
179. Ang spaghetti ng nanay ni Mellot, dahil ayon nga kay Jaybe, ipagpapalit niya daw ang spaghetti ng Jollibee para dito.
178. At ang pang-aasar sa akin ng mga Criminals na hindi ako nakakain ng spaghetti.
177. Ang pangbablack mail ni Shaq kay Avel, nung dating ito pa ay nagtatago.
176. Ang walang habas na pagsusulat sa ticket booklets na bigay ni Father Ponce. Masakit sa kamay yun.
175. Pati na rin ang nakakaenjoy na paghulog nun sa malaking roleta.
174. Ang mga pagdalaw ni Ched sa tuwina. Lagi-lagi na lang. Siya na ang may pamasahe
173. At ang marami palaging baong mga kwento ni Ched, hindi nauubusan ‘yan eh.
172. Research paper namin sa English, hindi ko alam kung saan napadpad.
171. Ang mga private moments namin ni Elvin sa rooftop.
170. Tocino at itlog na maalat na binalot sa dahon ng saging.
169. Ang namumutawing likod ni Allen. Mutawing mutawi eh.
168. Ang pagbekimon ni Jovie! :D
167. Ang pagboboardwork sa Accounting. Hahaha. Moon, bagalan mo pa!
166. Pagsali ni Allen sa Mr. And Ms. Letran.
165. Ang Paskuhan sa UST at ang amazing fireworks!
164. Pati na rin ang overnight session doon. Woohoo! Salamat Elvin!
163. Ang kakulitan ni Ma’am Inciso sa classroom. At ang palagi niyang pagsita kay Shaq, Chelsea at Jovie
162. Ang bubuyog. Pati na rin ang bubuyog part 2. HAHA.
161. Pagtype ng mahabang IF function. Tapos malalaman mo may VLOOKUP naman pala.
160. Naalala ko rin tuloy yung CONCATENATE!
159. “I’m the Map! I’m the Map!” sabi ni Marie kay Sir Cendana! Bad!
158. Naalala ko rin ang pagsugod ni Sir Cendana sa catwalk kahit gabing gabi na.
157. Ang pagkanta ni Allen ng Bitter King daw. “Mahaaaalll... Mahaaalll na mahal kitaaa.”
156. Ang pagsayaw ni Ate Gretch: I whip my hair back and forth!
155. Ang kilabot ko nung pinanood ko talaga yung music video ni Lady Gaga. Hahaha.
154. At ang tawa ko naman nung una kong napanood yung music video ni Michael V na Bathroom Dance
153. Finding Humanity, ang tula sa Humanities. Haha.
152. Si David, at si Potpot, at ang pagpopose ni Potpot na ala-David. Woohoo. It’s all about the body.
151. Pati na rin yung Vitruvian Gay na may paa ng bata sa likod.
150. Ang lindol sa Japan, at ang pagiging usap-usapan nito sa dorm, lalo na yung 2012?!
149. Isama pa yung bagong zodiac sign, Ophiuchus!
148. Party party sa loob ng dorm. Super disco at Verona.
147. Ang out-of-this-world midterm examinations ni Ma’am Agaton.
146. Pineapple juice. Plus Chocolait.
145. Pumapak ng Nissin Chocolate Wafers na isang pack sa loob ng isang araw.
144. Umubos na din nung nakaka-adik na choco chips ni Potpot.
143. Magpowerpoint para sa Management.
142. Magpowerpoint din para sa Angry Birds.
141. Panoorin din ‘yung project ko sa IT. :D HAHAHA! May pinaghugutan pa raw.
140. Nasabi na rin lang, ang maglaro ng Angry Birds.
139. Pati na din ang ligaya ni Grecy sa tuwing maglalaro ako ng Angry Birds.
138. At ang pagpilit ni Hanna na gayahin ang mga tunog ng ibon samantalang siya naman yung baboy.
137. Buti pa si Jovie, yung baboy yung ginagaya.
136. Bahay nila Rozelle, pati ang dinner buffet sa kanila! Hahaha!
135. Overnight daw, naging sleep-over. Ako pa ang unang natulog.
134. Ang pagkahulog ng tsinelas ko doon sa lawa nila Rozelle.
133. Ang private na pagrerecord din ng voiceover namin ni Shaquille. With matching tissue pa.
132. Isa pa ang pagdidrift ng nanay ni Rozelle sa Valenzuela.
131. Paggawa, pagpapakorek at pagsasaulo ng speech sa Tagatal.
130. Yung tanong tungkol kay Noah, kagimbal-gimbal, ang hirap sagutin!
129. Ang free lunch doon sa Tagatal! Ang daming pagkain. Ito namang si Jessa kung makakuha daig pa ang ibang lalake. Hahaha.
128. Ang biglaang pagiging technical personnel sa Guerrero Cup.
127. Na dapat eh gagawa lang ng presentation.
126. Ang biglaang sigla kapag naririnig ang Peacock!
125. Ang unang yapak sa bahay nila Jaybe. Astig talaga :D
124. Ang ngiti ni Kuya Arvin.
123. At ang tawa ni Grecy dahil doon.
122. ‘Yung bag ko nawawala! Saan ko nilagay.
121. “Anong tawag sa’yo?” sabi pa nung guard.
120. Ang pagpunta din sa Auxiliary at panonood sa mga CCTV cameras kung nasaan ang aking bag, na napagkamalan palang bomba!
119. Ang palpak na technical team nung RnJ play. Sino ba yun?
118. Ang pre-finals namin na napostponed! Woohoo!
117. Ang RSO Day Presentations: tatlo ba naman org mo?!
116. At ang pag-intro sa ilang mga numbers.
115. Ang paglipat-lipat ko ng pwesto sa Accounting, no permanent place kasi doon.
114. Ang Intramuros Heritage Trip with Mahrooz and Jovie.
113. Sa bahay nila Marie, ang overnight muli doon!
112. Ang pagkamangha ko sa mga powerpoint presentations ni Sir Aian.
111. Humanities: Art Depreciation, photoshoot sa Verona. Kakaibang trip!
110. Sandamukal na pagbreak ng curfew. Hahaha.
109. Ang favorite kong kanta para sa second sem: Fireworks! :D
108. Isa sa pinakamemorable naman: Broken Strings.
107. Ang custard cake ni Crenn!
106. Ang pagpraktis ko sa Firework na hindi naman matutuloy.
105. Piece of String.
104. Ang dry run (kung maituturing) ng Speechfest. Hahaha.
103. “Allen, pakopya naman.”
102. Ang aking signature auti-clap! Haha!
101. ‘Yung kapag nagkikita si Sir Buen, parang barkada lang. Astig talaga.
100. Ang room-to-room ronda ng Alyansa sa Letran. With matching entrance song pa at choreography.
99. Pati na rin ang pagiging bunso ko sa kanila.
98. Ang sandamukal na photo shoots at AVP shoot.
97. Pati na ang pagsesetup ng mga exhibits, na inabot ng sobrang gabi.
96. Miting de Avance, wtf, napasayaw ako ng wala sa oras.
95. Naalala ko tuloy nung total stranger pa ang lahat sa akin. Meetings sa CCD. Waaah!
94. Paggawa ng walang hanggang props ng Criminals, lalo na yung pagpaint!
93. Assignment ng ate ko sa World Lit, na pinagawa niya sa akin nung PPP.
92. Speechfest, at dahil doon, wala kaming title defense.
91. Kumanta pa yung isang teletubbies, pinatalon ko daw yung CD.
90. Maliit na pizza, astig na contestants at mas astig na banda sa Rock You!
89. Ang panglalandi ni Sir Cendana sa classroom.
88. Mga paunang meeting sa Student Council.
87. Pati na din ang Proclamation! Yes! Official na sa wakas.
86. Pagtambay sa Periodicals section.
85. At ang pagbabasa ko ng Communication Arts magazine. The best.
84. Mang Inasal, 7 rice! Hahaha!
83. Tutorial sessions din sa Periodical section, namimiss ko na!
82. Isama pa ang tutorial sessions sa Room 208! Tutorial nga lang ba? O pati picturan na?!
81. Mga sessions pa kasama ang nanay ni Hanna! :D
80. Word of the semester: KOKKET!
79. Expression of the semester: Bakla ka pala eh!
78: Pwede rin yung: Maling mali dre!
77. Pagpunta sa room 208 at pag-atras dahil may nakitang mga tao.
76. “Let the war begin,” sabi ni Potpot.
75. Ang pagguho ng mundo ko nung Ash Wednesday, kasi walang karne.
74. Biglaang pag-Japanese sa akin ni Sir Ron.
73. Ang pagdaan sa mga building, at sabay turo, Corinthian column ‘yan o kaya Rose Window ‘yan!
72. Play ng Criminals! Woohoo! Yung tipong nagtetechnical ako.
71. ‘Yung nawala pa yung charger ko ng wala sa oras. Nakakahingal yun.
70. 2heartsbecome4 signature sa GM ko. Hahaha.
69. Ang pagiging DJ Earthworm ko. Sound mixer na sideline ko.
68. Syempre, ang mix kong Jaca in the House, para sa Mr. And Ms. Letran!
67. Isama pa ang Scholars Mix 4, na para naman sa GAGATA at Guerrero Cup!
66. Jamming session with some real musicians sa Humanities.
65. Operation Donut, ang filming nito. :D Nakapwesto pa kami sa SC5! HAHA!
64. Ang pag-edit din nung video, nakakapagod na masyado.
63. Pagkagulat sa exam sa Math of Investment dahil sa formula sa likod!
62. Fireworks nung Pistang Paskong Pinoy!
61. Syempre, yung UST Symphony Orchestra na naki-jamming sa Letran. Da best!
60. Trip to Kuya Ros! Woooohoooo! :D
59. Pati na rin ang pagkuwento niya ng kanyang mga adventures kasama si Avel.
58. Hairspray ni Kuya Jake tuwing magrorosary. Psssssshhhhh...
57. Ang first time kong pagpunta sa post office.
56. Ano kasing prusisyon yung dumaan sa dorm dati? Hahaha.
55. Sabi sa sinehan, “Ang Tanging Ina Mo Rin!”
54. Dramatic photoshoot sa Pasig River with Jovie
53. Ang adventures ng mga scholars sa Recto para sa tesselation.
52. Ang walang humpay na batian ng Merry Christmas at Happy New Year nung bakasyon.
51. My unfathomable English discourse with Kevin. Grabe.
50. Ang malutong-lutong na pagmura sa akin ni Jaybe. Ang lutong eh. Walang bawi!
49. Si Ate Shie, at ang isang baso ng tubig sa Chowking.
48. The best scene sa play ng Criminals: Scene 9!
47. Ang pauso ni Ma’am Inciso na note cards daw. Hahaha.
46. Ang Wonder Girls, ang SuJu, ang SNSD. Si Inay, si Jovie at si Hanna. :)) Heavyweights diba?
45. Pagiging Bet na Bet ni Danique!
44. Ang saya ng pagtulog sa klase namin ng Accounting.
43. Pati na din ang pagkawala ng aking sapatos sa tuwinang ako’y magtsitsinelas. Mukhang si Chelsea yata nagtatago nun.
42. First floor sessions ko with ASUS or Casio. Loner times.
41. Pag-GM sa groupmates sa Management ng English dahil kagroup namin si Moon.
40. Nakita ko si Mike Enriquez sa Letran! Haha!
39. CATWALK. Ang meeting place, tambayan, internetan at lahat lahat.
38. Golden Potatoes. Mamimiss ko yung super salted fries.
37. Food for the brain daw sa Management.
36. Ang paghahatid kay Mahrooz sa terminal ng bus kapag uuwi na siya.
35. At ang madalas na matagal pang pagtambay sa gilid ng bus, at ang pagkaway niya mula sa bintana.
34. ‘Yung nanenermon na janitor kapag makalat kami. Feeling close. Hahaha.
33. Lalo pa’t pag may kasabay siya sa bus na, ehem, ehem.
32. Banana Cue! Hahaha! :D
31. Ang mga naglipanang lovers nung Valentines.
30. Pagkakaroon ng pintura sa aking pants. Kinulayan ko kasi yung garahe nila Rozelle ng asul. Hahaha.
29. Naalala ko tuloy nung nagGM ang Criminals ng sabay-sabay at pare-parehas pa! Ka-irita. Haha.
28. Hanggang madaling araw na paghihintay sa Catwalk para sa resulta ng eleksyon.
27. Ang excitement ng mga taga-Verona sa tuwing may bagong episode ng Bleach.
26. Noli de Kasyo! Noli de Kasyo! Konting pilit pa kasi talaga sa Hangaroo eh!
25. Ang pagbili ng pare-parehas na tsinelas!
24. Ang sobrang hysterical shouting moments habang nagbibingo sa gym. HAHAHA!
23. Pagpapalamig mag-isa sa Manila Cathedral. Lalo na kapag kailangan ng kapayapaan.
22. Ang pagsakit ng batok ni Ma’am Agaton.
21. Ang pagiging autistic.
20. Ang auti and mongie dance showdown sa room 208!
19. Pagsesend ng wrong grammar na GM sa kalagitnaan ng gabi.
18. Paglatag ng kutson sa saheg ng Verona at tabi-tabing matutulog. Hahaha!
17. Ang mga sabi-sabi ko na hindi ako matutulog. Mukat mukat ko umaga na pala.
16. Si Alma Muros. At ang kasing lapad ng tumblr na parusa. Hindi lang serenade, orchestra pa!
15. Ang pagsutsot ni Kuya Danny kapag maingay sa dorm.
14. Kaya naman nagkaroon ng “Please Observe Silence”
13. Samahan pa ng “IskoLar”! HAHAHA!
12. Yung bangs ni Shaquille. YES.
11. Ang kama kong sobrang kalat. SOBRA. 20% na lang nahihigaan ko.
10. Obsession ni Kuya Janjan sa Korean groups na naging Christina Grimmie, na naging Taylor Swift, na naging Avril Lavigne.
9. Ang pagiging hysterical ni Jaja! Keribels? Truelagen?
8. Ang pagiging partial ni Inay, kasi full scholar na siya next sem! Woohoo!
7. Team building ng Criminals, walang tatalo.
6. Ang mga stray bullet alerts sa text. Mga pasaring sa hangin.
5. Accounting102: Partnership and Corporation accounting!
4. Ang mga kapanahunang long back pa at may patilya pa ako.
3. Lalo pa nung hindi pa ganito karami ang pimples ko.
2. Ang pagiging 16 years old. >D
1. Ikaw na nagbabasa nito. Miss na kita :D
Wooohoooo :D Happy Summer Sem :D