All the while kami lang ang nagpapraktis sa sarili namin. Well, we are seniors, we’re independent. Haha. Mga bandang last two days lang kami nagpraktis with the faculty’s ears hearing us. Ayun. Pressure yun. Paano eh malapit na ang laban.
Nagkaroon pa ng issue. Eto ang issue na hindi ko makakalimutan. Dapat daw iuusog ang English Week to Monday. Pero dahil may quiz bee kami sa Monday at kailangan kong bitawan ang newscasting para sa quiz bee, may nangyari, at dahil sa akin yun.
Eh paano. Binuhos ko lahat ng efforts ko dito. Presentation, script, balita, praktis, ideas, pull-out.. nakamindset na ako na lalaban sa English Week. At ito pa ang higit sa lahat, ang experience na maging isang newscaster. Nung second year may newscasting kami pero hindi ganun kaperformance level ang nangyari nun sa akin. This is the big stage. I want to be there. Kung papapiliin nga ako eh iiwan ko na lang ang quiz bee for the newscasting kasi this is a once in a lifetime experience.
Mangilid-ngilid na luha ko nung malaman ko I will be forced to quit. Ayokong magquizbee. At ang bigat sapuhin ng bagaheng pinabuhat sa akin. All of a sudden nanlumo ako, and that was two days before the competition. Di ko yata matitiis na sumagot ng question ng quiz master habang maiisip ko na iniwanan ko ang newscasting team.
Ayun. With the powers of Ma’am Gamboa, nangyari ang dapat mangyari. Tuloy ang English Week kinabukasan. Masaya, kasi makakasama na ako. Kinakabahan, kasi ang pressure lahat ay nasa akin. Sabi nga sa akin ni Lara, kapag natalo daw kami ako ang pinakamalaking kahihiyan sa balat ng Systems nun.
Gumagawa kami ng props nun nang dumating ang balita.. Nagkaroon lang kami ng late na lunch bago nun, dahil inaalam pa namin kung ano ang mga kailangang bilhin para sa aming mga props, kung paano ba ang design ng set at etc. Ayun, kinukulayan ng iba ang ginuhit kong isda sa manila paper at may nagugupit sa kabila.
Abalang-abala na ang buong Systems kinahapunan, sapagkat matindi rin ang kumpetisyon pagdating sa Jazz Chant, at talaga namang iyon ang inaabangan ng karamihan.
The day before, ayan na, sabakan na sa general practices. Meron na kaming master plan, ang cue kung kelan lilipat ng slides sa presentation, at ang cue din kung kailan magpapalit ng sounds, all with full description para madalian ang operator. Ang operator pala namin ay si Jzhanel para sa powerpoint, at c Keroy para sa sound effects. Oha. Pwede na kaming professional news team, camera man na lang ang kulang.
Syempre. Praktis praktis na kami. Nag-iimbento na ng poses, kunyaring pa-entrance at saka mga konting pakulo para maliban sa informative kami, entertaining pa.
Nagpraktis kami sa Multi Purpose Hall. Nandun ang Jazz Chant ng second year kumakanta sa tono ng Bad Romance. Nandun din yung mga Jazz Chanters ng Seniors, nagpapraktis. Litaw na litaw boses ni Jefran, eh napano, trainer nila. Todo sigaw din si Vhinna at si Kevin, feel na feel ang pagwalk down the road.
At yun, katapos ng Jazz Chant ng Sophomores, nag set-up ng table at tinesting ang stage presence namin. Ang daming nakatinging mata, at yun ay for the first time. Nakakaconscious, pero ito ang daan para sa pagkapanalo. Si Ma’am Gamboa ang sama ng tingin sa amin, para bang ang daming imperfections, o sadyang kabado lang ako kaya tingin ko masama tingin nun.
At ‘yun, dumating ang Teen Patrol ng first year habang nagpapraktis kami. Nandun si Ma’am Tan at saka si Ma’am Mendoza. Waaah?! Ititigil ba namin ito o tuloy?
Ifast-forward na natin dahil mahaba na yung natayp ko. Ayun. Nandun na sa loob ng classroom ng Ampere. Ang mga classmate namin nag-uumpisa ng bumaba, kasi may program. Konti kaming natira sa classroom... ang newscasting team, si Sir Dungca, si Ma’am Gamboa at ang bagong special staff, si Princess.
Yun. Make-up. Make-up. First time kong maging feeling artista. Haha. Ayun. Picture-picture din sila. Tae naman talaga at sinabihan ko yung nanay ko na humagilap ng coat para sa akin at nakalimutan daw niya. Pinagpipilitan niya yung puting jacket, sabi ko hindi pwede, at pwede daw. Anyways, no choice naman ako kaysa naman wala akong dalhin. Dinala ko na rin. Amp. And it turned out to be really wrong.
Nagmukha akong doctor, at may inedit pa ngang picture si Lara comparing me to a pale-skin, red-lipped, white-dressed doctor from the Twilight movie series, and that was Dr. Carlisle as far as I can remember.
Hanggang sa sinubukan kong hiniramin ang coat ng kapatid ni Carmela, dahil napressure ako dun sa coat nung first year! Haha! Tapos may live television pa ang second year, at tilian naman ang mga sophomores sa nakita nila.
At ito, ang third year, ang pinakamatinding kalaban palagi. Matapos nilang manalo sa Intrams, mahigpit na ang mga mata namin sa kanila. At yun, dumating ang Entertainment News nila. Tawanan ang buong MPH kay Ezra sa paggaya niya kay Boy. Iba ang hatak ng entertainment news nila, samantalang sa amin ay formal ang dating, with the Best Female Newscaster two years ago reporting.
Nakatambay kami dun sa mga Transformers sa gilid ng MPH. Picture picture ang buong cast. Kinakabahan kasi baka mabulol kami. Kinakabahan kasi baka matalo. Hanggang yan na, umpisa na. Umakyat na kami sa stage, ako kunyari confident na confident. Syempre seniors, kailangan ipakita na sanay na sa ganitong pressure.
At sinet-up na ang presentation. Pati ang sounds ready na.
Tumugtog na ang intro, at naglakad na kami na Kareejil patungo sa gitna. Hanep ang pressure. Ang tindi tumayo sa harap ng maraming tao na parang nagmomodel. Ayos lang sana kung emcee eh, medyo hindi na ganoong kalaking factor ang itsura. Pero dito, isa ito sa matinding puhunan.
Nakakatigas ng paa na tumayo doon, para bang ayokong tumingin sa mga tao dahil baka pinagtatawanan nila ako. Madalas kasi, mukha na akong clown ngayon. At yun, katapos nun magsasalita dapat si Lara, pero tila ang boses niya ay naglalakbay pa sa buwan. Hindi niya marinig ang sound effects na signal niya na kailangan na niyang magsalita. Ayun, nadelay tuloy ang aming headlines.
At yun, ang pamatay na intro, kailangan na naming sabihin ni Kareejil ang title ng palabas. Haha. and 1, 2, 3 go.. Seniors Shockwave Alert. Ay. Walang pumalakpak. Wala talaga kaming impact.
Hanggang nagsasasatsat na ako ng balita. Nakikita ko si Ma’am Malig nangingiti. Di ko alam kung magaling ako, nagkakamali na ba ako o sadyang mukha lang talaga akong clown kaya ngumingiti siya.
At iyon, konting pahinga. Commercial break. ‘Yan ang isa sa mga pakulo namin na unique sa iba. Meron kaming commercial break. Una yung “First Love” commercial ng McDo na paborito ko. ‘Yun, epektibo naman ang method at lahat napakanta ng Huling El Bimbo. At lalo naman nung lumabas ang mga batang Tondo sa commercial ni Manny Villar. Ang unang plano pa nga ay i-remake ng SPCF version yung mga commercial na yun, yung tipong Ampere daw ang mga bata dun sa commercial, total kamukha naman daw namin.
Pagkatapos ng commercial, of course, we’re back. At dun na nagsimulang magkabuhol-bohol. “Back to you Kareejil” pero sa script ako na ang kasunod. ‘Yun, natigilan kami ng konting sandali, nagpapakiramdaman kung sino na ba ang magsasalita talaga. Kinuha ko na lang ang mic at dumakdak, kahit mali.
At astig ang field reporter namin. Isa pa ‘to sa SSA Originals. Ayun. Si Lara, ang aming senior correspondent kuno, ay live from Cotabato! Haha! Astig. At ‘yun, kumuha kami ng ilang cooperative usisero sa camera, at ang cameraman namin ay si Jefran. Nag-away sa spotlight si Paul at si Chino at ang nanalo ay si Chino. Hahaha. At yun, nung natapos na siyang magreport, binalik na sa akin ni Lara, “back to you, Kenneth,” sabay tingin sa akin mula Cotabato. Hahaha!
At tinapos namin ang newscasting namin ng parang wala lang. Yun. Masasabi naming tapos na. Pero nandiyan pa ang mga judges para kami’y husgahan. Syempre kinakabahan, pero sabi naman ng mga coaches namin eh ayos lang naman daw ginawa namin. Ganoon naman palagi ang mga coaches, palaging nagchecheer up.
Dinaan namin ang kaba namin sa marami pang papicture picture. Kami na ang huling event nun, kaya pagkatapos ng newscasting, awarding na agad. The moment is truth, ika nga. Kabado. Kasi ang dami na ngang napagdaanan ng newscasting team. Unti-unti, tinatawag na yung mga awardees. Nanalo si Jehriel sa kanyang pagkaleon. Si Yu, hindi pinalad, pero ayos lang, dahil sa kanya nauso ang “alms”. Ang Jazz Chant, hindi rin naging champion, pero ayos lang rin. At ito, newscasting na. Nakatayo lang kami sa likod ng mga bleachers.
Isa-isa tinatawag yung ibang year levels. Hanggang dalawang year level na lang ang natitira. At ‘yun, si Ma’am Malig ang nag-aannounce ng winners, isa ‘yan sa mga expertise niya. Alam niya kung paano mambitin, at kung paano magdagdag ng thrill. Feel na feel pa ang diction palagi.
...
...
PANALO KAMIIIIIIIIII!!!!!!!!!!! HAHAHAHA!!!! CHAMPIOOOON! :)))))))))))))))))))))
the end :)) hahaha!
No comments:
Post a Comment