May 28, 2010

Seniors Shockwave Alert: Behind the Scenes

Ke: This just in everyone. A military craft had crashed in a residential area at Cotabato Province, killing at least 8 people. Live from Cotabato, on the crash site is Lara Jimenez. What happened there Lara?

La: Yes, Kenneth… (continue…)

Questions:
1. Aside from a civilian death, is there any other civilian injured on the crash?
2. We have been hearing rumors that the plane crash was a sabotage. Is it true?

Ke: Thank you for that important update. Again, that is Lara Jimenez reporting live from Cotabato.

Ka: Reminders everyone, our KAAKBAY field trip will be at February 13, and to all the seniors and juniors, our prom night will be at February 26.

Ke: These are the rocking..

Ka: The shaking…

Ke: the Breaking

Ka: the shattering news of the day.

Ke: this is NEWS, and this is…

ALL: Senior Shockwave Alert.

Ke: Up next is Ma’am Gamboa’s Noontime Show, stay tuned.

PLAY: 13 – Outro (Last Music)

===========================================

At iyan ang aming last lines sa aming newscasting. Parang kelan lang simula nung unang praktis.. parang kelan lang simula nung sobrang pressure.. parang kelan lang nung nagchampion. Haaaay. Nakakamiss nga naman. Ang sarap balikan.

Eto. Excited na ang buong Ampere at English Week na, dahil sigurado nandiyan na ang kaabang-abang na speech choir competition. Since first year tila ba yan na ang aming forte, speech choir. Marinig mo lang ang speech choir, lahat nagiging active ng sumali. Para bang pagkain, maamoy lang nila lahat na e titingin.

Paano kasi, gustong gusto namin bumawi sa pagkatalo namin sa The Secret of the Machines, meron kasi kaming dalawang kasama na humihiwalay daw ang boses. (at nagmalinis pa siya.) Dagdag pa dun, iba kasi kapag speech choir, nandun yung palaging walang klase kasi puro kayo praktis, tapos ang saya pa, kasi astig yung mga choreography. Tapos syempre, payabangan na rin sa ibang year levels. Syempre fourth year, expected champion.

Ayun. Isang araw, pumasok si Ma’am Alfonso sa room namin, gaya naman ng palagi niyang ginagawa. Excited kami lahat, dahil alam naming mag-aannounce siya tungkol sa English Week. Malakas ang bulung-bulungan tungkol sa speech choir, kasi nga marami ang excited para dito. Lahat kami nakangiti, na tila ba nag-aabang ng katuwa-tuwa mula kay Ma’am, pero hindi kami natuwa sa narinig namin.

Wala daw Speech Choir. Napalitan daw ito ng Jazz Chant. At nandun pa rin ang Storytelling, Dramatic Monologue at Newscasting. Eh ang hanap namin speech choir, pero wala daw.

“Ano daw?” yan ang tanong ng marami matapos sabihin ang Jazz Chant.

Bago nga naman kasi sa pandinig. Kahit nga ako hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin. Ang kumakalat naman ng definition eh speech choir na kumakanta at tunog-tao. Unang pumasok sa isip ko papaputok kami ng kilikili, magrarap kami sa harap at magbebeatbox sa harap ng basang-basang microphone. O kaya magtatambol ng tiyan o mananapok ng ulong walang laman, oha, pwede ng musical ensemble. Dagdag pa rito, 20 lang daw ang maximum na pwede sumali. Bale, dahil mas konti kayo, mas nakakahiya, kasi mas makikilala ka.

Marami ang nadiscourage, at kakaunti lamang ang sumali sa Ampere ng Jazz Chant.

Ako naman, dahil hindi ko tipo magJazz Chant, ayun, sumabak na lang sa mundo ng pagiging isang newscaster. Lahat na yata sinubukan ko eh.

Naaalala ko pa nun, ang mga auditions na kayraming udlot. Kabado pa kaming mga nag-aaudition sa faculty room nun. Nahihiya kasi maraming mga teachers ang nanonood, at magrerecite kami ng news piece sa harap ni Ma’am Gamboa at Sir Dungca. Buti nandiyan si Amir, ang savior naming lahat, kasi siya lang ang may dala ng news piece, the rest nakikishare na lang. Haha.

At nalaman nga namin na kami na ang official newscasters ng fourth year level. Amir, Kenneth, Lara, Danielle and sino kasi yun? Aaah. Oo. Naalala ko na. Si Kareejil. Ayun. Pinagplano na kami kung paano ang flow ng programa. Nagmeeting kami nun sa kalahating bakante ng faculty room, pero wala mang nangyari kundi usapan at tawanan. Paano medyo sabay kasi sa mga quiz bees at dance competitions kaya ultimong naghahatid ng balita, busy gumawa ng sarili nilang balita.

Umabot na kami sa puntong si Ma’am Gamboa na ang nagmeeting sa amin, at napagdesisyunan namin na magkaroon ng dalawang balita kada kategoryang hinihingi sa patimpalak.. Local news, Foreign, Sports at Entertainment. Sunod na naging assignment namin ang maghanap ng balita. Kinagabihan nun, lahat pa nagPM sa akin, nagtatanong ng balita o kung nakakakuha na ba ako ng balita ko.

Sa orihinal naming plano, ako ay isang sportscaster, dahil kailanman, hindi ko pinangarap na maging bida sa isang soap opera na wala namang ginawa sa mundo kundi umupo sa gitna at maghatid ng balita. At isa pa, mahirap kunin ang damit ng isang main anchor. Ayos din kung weather. Di ko bagay mag-entertainment, at pang-main anchor din naman ang foreign. Kaya’t minabuti ko ng manatili na lang sa sports.

Naaalala ko pa ang aming mga pull-out days. Haha. Ang mga patawang birada ni Amir kay Kareejil, at wala na kaming mapraktis kundi ang paano tumawa. “F-*-*-k-U Kareejil,” sasabihin ni Amir, pa-thank you naman itong si Kareejil, pagkarinig niya eh, “back to you, Kareejil.”

Dati nun, no permanent address pa kami kapag praktis. Minsan, sinubukan naming tumambay sa hagdan, sa faculty room, pero ang ending namin nun sa harap ng science building, hanggang sa sumugod na lang ang mga third year.

Ayun, dumating din kami sa puntong kailangang isipan ng pangalan ang aming palabas. Alangan naman biglaang pasok na lang na walang title. At syempre, kadikit ng title ang motto ng mga nagbabalita. Kung pwede na lang sana na “time is gold” eh.. pero walang konek. Suggestion nila eh “may pakpak ang balita...”, pero kahit kailan ay ‘di ko maimagine yan.

Since ako ang pinaggawan nila ng skrip namin, ako na rin ang nagsubok na mag-isip ng pangalan. Seniors Shockwave Alert kako, buti naman at walang nagreklamo. Yun, tuloy tuloy na lang ng praktis hanggang sa kalaunan, nadeport ako at naging main anchor na. Waaah!

Dumadaan ang araw, at hanggang sa dalawang araw na lang eh time to perform na. Ayun. Kinailangan na magdownload ng sound effects para sa dakila naming palabas, gumawa ng powerpoint presentation para sa aming ipapakita at isaulo na ang mga dapat isaulo. Hanep na ang pressure.

All the while kami lang ang nagpapraktis sa sarili namin. Well, we are seniors, we’re independent. Haha. Mga bandang last two days lang kami nagpraktis with the faculty’s ears hearing us. Ayun. Pressure yun. Paano eh malapit na ang laban.

Nagkaroon pa ng issue. Eto ang issue na hindi ko makakalimutan. Dapat daw iuusog ang English Week to Monday... Pero...

....to be continued.

the second part will be posted Saturday after midnight :)

No comments: