Tinig ng Torpe VI – Facebook at Pag-ibig
Eto na naman ang tula ng pag-ibig, na ngayon ay dinamay na ang Facebook. Marami siguro sa atin ang nagmamahal, at madalas siguro Facebook ang ginagawa nating daan upang maipahayag natin ang ating nararamdaman. Ganyan talaga ang pag-ibig, nagrereflect sa status, sa pictures, sa links etc.
Itong TnT6: Facebook at Pag-ibig ay para sa mga taong in-love at hanggang sa FB ay nakararating ang pag-ibig nila. Para ito sa mga katulad kong inspired lalo na kapag makita lang ang profile ni toot o kaya mag-online siya. Haha! Para ito sa mga kinikilig kahit sa picture lang, ito yung mga tipong nagmamahal na talaga.
Ito na ang 88 lines ng TnT... :D hahaha. Comment kayo please. Hehehe :)
Una sa aking umaga, minumuta pa ang mata,
Kahit pa eyebags ay maga, sa computer ang punta.
Kahit tulog pa ang lahat, computer ay ituturn-on;
Mata ko’y magiging mulat; Facebook ang tanging solusyon.
Ang e-mail ko’y ilalagay at kung itayp parang kidlat;
Saulado na at sanay, matatayp kahit ‘di mulat.
At ang password kong mahaba, 31 letters in total,
Tuluy-tuloy, walang kaba, kung i-enter walang bagal.
Unang-unang sasambulat mga post ng kaibigan,
Mga comments kalat-kalat at photos na tinag-tagan.
Mga status na pamatay ay sunod kong makikita,
Ngunit ang tunay na pakay mabasa ang iyong salita.
Pupuntahan ang profile mo, nakabookmark na sa browser;
Lahat ng mga pinost mo, may comment ko na aanswer.
Tila automatic sa’kin na ma-memorize status mo,
At para bang naka-built-in and profile mo sa utak ko.
Favorite place ko sa FB, syempre, ang Facebook profile mo;
Ang ngiti sa iyong labi tumatatak sa isip ko.
Lahat ng iyong litrato sa monitor tititigan;
‘Di magsasawang ganito basta ba’t iyong larawan.
Nakalagay sa Info tab, saulado ko na rin ‘yan;
Nasa ko ay nag-aalab na ika’y lalong malaman.
Mga album mo sa Photos, lagi ko ring tinitingnan;
Araw ko ay sadyang ayos ikaw lama’y masilayan.
Minsan para na ngang tanga, kahit pa gabing-gabi na,
Sa profile mo’y nakanganga, refresh ng refresh sa tuwina.
Baka may bagong status ka at gusto ko nang magcomment,
Makausap pa kita dahil ‘yun ang aking moment.
‘Di mapigilang mamangha sa ganda ng profile pic mo;
Tila kahit anong kuha, ngingiti maging ang emo.
Kung sa Facebook pic pa nga lang, sa’yo ako’y iibig na,
Paano pa sa personalan, sa piling mo ay langit na!
Sa iyong Info tab ang click, Relationship Status naman,
Kahit malabo ay sabik matupad ang kahibangan:
“In a relationship with me,” ang aking isusulat d’yan;
Fighting spirit ay marami sa misyong kailusyunan.
Gawain ko oras-oras sa homepage ng aking Facebook,
Sa ultimong pagkabukas, Notifications ang first look.
Sampu-sampu kada open, hanap lang ang pangalan mo,
At baka ika’y nagcomment sa dami-daming wall post ko.
Napakalaking ngiti nga, magcomment ka lang sa wall ko
Sapagkat ito ang bunga ng pagpapapansin ko sa’yo.
Sa mga status at pictures, sa profile kong punung-puno,
Mapansin mo lang ay sure na bawi na ang effort ko.
Ilang status na ang na-post? Ilang links na ba ang na-share?
Ilang notes na ang tinapos? Ilang pacute ang na-prepare?
Halos buong buhay FB ko ay umiikot sa’yo
Nang sayo’y aking masabi puso ko kahit malayo.
[Ui.. Commercial lang. Haha. PAKISHARE sana ito sa Facebook at ipaalam sa marami na merong tulang pag-ibig na tungkol sa Facebook! I-copy lamang ang URL nito at ilagay sa inyong status. Salamaaaat! Ikalat ang WhitePanorama!]
Minsan aking naiisip, sana status na lang ako,
At kahit sa panaginip, ma-‘like’ mo man lamang ako.
Sana link ang iyong puso para magawa mong ma-share,
Maramdaman pag-ibig mo at mabigyan ka rin ng care.
At may isang application, “Lover of the Day” ang ngalan,
Random ang kanyang selection ng kunwari’y kasintahan,
At kapana-panabik nga na tayo’y mapares minsan,
Pero nagmumukhang tanga ‘pagkat ‘yan ay laro lamang.
Buti pa ang Happy Island, masaya siya sa buhay niya,
Sa turista na naglaland at sa kanya ay pumapasyal.
Sana ako’y isla dito at ako’y dalawin man lang,
‘Pagkat presensya mo’y ginto sa puso kong nagkukulang.
Sa aquarium mo sa Fishville, sana’y isda na lang ako,
At palagi mo ‘tong gawin, “Give Some Love” ay iciclick mo.
At sa Farmville naman sana ay nawala na lang ako
Nang sayo’y magpa-adopt na at lumigaya buhay ko.
Sana’y alaga mo ako doon sa Pet Society;
Bigyan mo ‘kong pag-ibig mo, nang mawala ang pighati.
Ipang-race at pagtanimin, kahit ano pang gusto mo,
Lahat ay aking gagawin, basta’t ikaw ang kasama ko.
Ngunit hanggang Facebook na lang ang corny na torpeng ito,
Puno ng panghihinayang at ‘di napadama ito.
Kung ang yakap lang sa FB ay tagos hanggang sa iyo,
Hindi mo na masasabing peke ang aking pagsuyo.
Tanging nais kong marinig ang boses mong nakakamiss,
Manggaling sa iyong bibig, mga linyang matatamis.
Sa status ay ‘di kuntento, ‘pagkat doo’y salita lang;
Tinig mo ay kailangan ko, ulit-ulit mapakinggan.
Kung maaari lang i-Plurk ang iyong buong pangalan,
Kung pwede sanang i-Twitter ang tago mong katauhan,
Kung sa Tumblr ay ilabas isang liham para sa’yo,
Kung loob ko ay malakas, ang torpe’y haharap sa’yo.
Ngunit heto ako’t pipi, sa sarili’y nakatago,
At simula nang umibig, hindi pa rin nagbabago.
Magpapatuloy na lihim, nag-aalab na pag-ibig;
Sa puso ko’y ikikimkim ang damdaming nananaig.
Itong tula’y para sa’yo, para lang iyong malaman,
Ang saya at sakripisyo ‘pag online mo akong nadatnan.
Hanggang sa susunod na chat, hanggang sa muling kiligin,
Malaman mo na ang lahat, iyan ang pinakahiling.
THE END. Hahaha. :D
Up next: Tinig ng Torpe VII, ang pinakamadramang Tinig ng Torpe so far. Clue: may konek sa dilim. :)
3 comments:
Partner! Grabe, Idol! Hahaha. Ikaw nang magaling! CLAP2! :)
wow salamaaaaat partner.. favor pashaaaaare sa facebook! hahaha! :D salaaamat :)
clap clap ! :)) ARRIBA! :D
Post a Comment