December 28, 2010

Firework by Katy Perry: The Tagalog Lyrics


PAROL

Iyo bang tingin
Na ika'y dumi
Na hinahangin;
Walang tutunguhin?

Iyo bang tingin
Ika'y manipis,
Sa isang ihip
Ika'y liliparin?

Iyo bang tingin
Ika'y naaapi
Na dumaraing
Pero walang dumidinig?

'Di mo ba alam
Na may pag-asa pa;
Sa'yo ay may kislap

Bigyan mo ng ilaw, tanglaw,
Sigla't galaw!
Sa'yong sigaw
Saya'y umaapaw!

Dahil ika'y isang parol!
Sino ka, sabihin mo!
Pamanghain mo-oh-oh,
Sinumang hadlang sa'yo-oh-oh!

Dahil ika'y isang parol!
Pakita mo ang kulay mo!
Pagmalaki mo oh-oh
Kung anuman ang sa iyo-oh-oh!

'Wag mong isipin
'Ka'y walang silbi
Natatangi ka't
May'rong halaga.

Kung alam mo lang
Sa'yo'y nag-aabang,
Matapos ang ulan
Tiyak aaraw.

Baka 'yong dahilan
Pinto'y nakasara,
Para sa pagbukas
Ay tama ang iyong landas.

Puso mo'y kidlat,
Manggugulat,
At pagka oras na…

Bigyan mo ng ilaw, tanglaw,
Sigla't galaw!
Sa'yong sigaw
Saya'y umaapaw!

Dahil ika'y isang parol!
Sino ka, sabihin mo!
Pamanghain mo-oh-oh,
Sinumang hadlang sa'yo-oh-oh!

Dahil ika'y isang parol!
Pakita mo ang kulay mo!
Pagmalaki mo oh-oh
Kung anuman ang sa iyo-oh-oh!

Ring! Ring! Ring!
Ikaw ay nagniningning-ning-ning!
Ang iyong saloobin-bin-bin
Huwag matakot sabihin-hin-hin!

Dahil ika'y isang parol!
Sino ka, sabihin mo!
Pamanghain mo-oh-oh,
Sinumang hadlang sa'yo-oh-oh!

Dahil ika'y isang parol!
Pakita mo ang kulay mo!
Pagmalaki mo oh-oh
Kung anuman ang sa iyo-oh-oh!

Ring! Ring! Ring!
Ikaw ay nagniningning-ning-ning!

Ring! Ring! Ring!
Ikaw ay nagniningning-ning-ning!

2 comments: